Pilipinas, nanawagan ng tulong sa EU para tugunan ang Climate Change | Balitaan

2022-12-14 3

Hinikayat ni Pangulong Bongbong Marcos ang European Union na bigyan pa ng tulong pinansyal ang mga bansang pinaka-apektado ng Climate Change gaya ng Pilipinas.

Samantala, sisikapin din daw ng gobyerno na makumpleto ang lahat ng requirements ng European Maritime Safety Agency para 'di mawalan ng trabaho ang may limampung libong Pilipinong marino.

Ilan lamang ito sa highlights ng pagdalo ng Pangulo sa ASEAN-EU Commemorative Summit kagabi sa Belgium.

Magbabalita ang aming correspondent na si Rex Remitio.